Sunday, April 27, 2008

Road Trip to Cavite

Dahil nag enjoy ang last sa Joy ride namin sa Tagaytay nasundan uli ito. And this time ang bayan naman ng Tanza, Cavite ang aming sinilip. First stop Holy Cross Church. At kwento ng mga diboto doon ay nagmimilagro daw ang Patron ng simbahan na yun na si San Agustin. Kaya naman dinadayo talaga ang kanilang simbahan. Sinilip din namin ang Jimenez Farm. Nagtanghalian sa bahay nila Laila sa Trece at sa aming pag uwi may nadaanan kaming ilog sa ilalim ng tuloy. Sayang nga lang at wala kaming dalang panligo hehehe. Simple at hindi magastos ang aming road trip ngaun. Pero nag enjoy ang lahat siguro yun lang naman ang mahalaga doon. At ang sekroto? Nasa kasama lang yan!!!!













Puto bung-bong sa buwan ng Abril? Manang pabili rin po ako....




Pancit Palabok na binalot sa dahon ng saging..... hhmmmm


Hardin ng Postema



Villa Excelence, Beach Resort







Jimenez Farm



Silip sa bahay nila Laila



Sa Tabing Ilog ng Trece Martirez




World Pyro Olympics 2008

Yes tuloy na tuloy ang Pyro Olympics. Sayang nga lang at may pasok ako sa first day ng exhibit. Yun pa naman daw ang pinakakaaabangan ng lahat. But anyway pwede namang mag sick leave hehehe (joke).

2008 World Pyro Olympics

Dates:


May 3 2008 - China / Germany
May 10 2008 - Canada / France
May 17 2008 - Italy / Venezuela
May 24 2008 - Korea / Australia
May 31 2008 - Collaboration of all countries with the Philippines
Pyromusical Show Exihibition

Location: SM Mall of Asia, Pasay City

Saturday, April 26, 2008

Magdaragat.... Dampa sa Pala-pala

There so many reason to celebrate.... Tulad na lang ngaun birthday ng isang kaibigan at kasamahan sa trabaho na si Noel. Dahil marami ang hindi pa nakakasubok sa Magdaragat ipinagpasya na doon na lang kumain para masubukan din ang mga luto doon. Parang ginaya ang style ng Dampa sa Sucat. Ang unang-unang nakita kong pagkakaiba ay maliit at kaunti lang ang mapagpipilian na ipapaluto sa palengke. At huwag kang umasang fresh ang mabibili mo doon. Tungkol naman sa presyo mas mababa sila ng 20-30 pesos. Pero kung ako ang tatanungin masgusto ko pa rin ang Dampa sa Sucat. Talagang naperfect na nila ang pagluluto ng mga putahe doon. Pero kahit ganoon pa man marami pa rin akong nakain, ( Kaing Contruction Woker sabi nga nila hahaha).. Romel sinubukan ko pero hindi ko talaga kaya ang sinasabi mong kaing sosyal hahaha..... Kanin pa nga dito!!!!












Buttered Sugpo


Tanige sa Miso


Inihaw na Pusit


Calamares


Inihaw na Liempo




Kain, kain, kain


Simot Sarap!

Kantahan muna habang nagpapababa ng kinain

Hindi pa po sila lasing makukulit lang talaga!