Very proud ako sa mga anak ko habang umaakyat sila sa stage para tanggapin ang kanilang Certificate at Medals. Ibang level!.... "may yabang" sabi nga nila hehehe ganoon ang naramdaman ko ta siguro ganoon din ang iba pa ring mga parents na nandoon. Malalaki na nga ang mga anak.... Mga anak lagi nyong tatandaan nandito lagi si daddy at mommy para magsupport at magcheer para sa inyo. Keep it up Justin and Alex!!! You make us proud!!!
Sunday, March 30, 2008
Hacienda Alessandra
Mahuhulaan nyo ba kung saan itong manggahan na ito? Akala nyo siguro kung saang probinsya ito no? Dito lang ito sa may Cavite. Natuwa ako sa reaction ni Alex ng makita nya ang mga mangga na nakasabit pa sa puno nya. Marami siyang tanong mabuti na lang nandoon si "tatay" para sagutin lahat ng mga tanong nya. Miski ako namangha sa dami ng mangga doon. Parang namiss ko tuloy ang kabataan ko.
Wednesday, March 26, 2008
Hawaiin Birthday Party of Charles Benjamin
Ang bilis talaga ng panahon parang kailan lang ikinasal si mae, ilang buwan lang nagsilang at nagpabinyag at ngaun one year old na si "Tisoy". Sa Mc Donalds J.P. Rizal sya nagcelebrate. At ang theme ng party Hawaiin, kaya ayun mala Lito Atienza sya ng dumating sa party hahaha. Simple lang talaga ang party pero na-enjoy ng bata at matanda ang party kasi magaling ang host ng party. At sa mga ganitong occassion lang din talaga kami nagkikita ng mga pinsan ko kasi mga busy na rin sa kanya kanyang mga buhay. Kaya overall masaya!!!! Happy Birthday Tisoy!!!!
Cooking it up with Alex
Dahil komplete ang boung pamilya ginanahan akong magluto (Luto-lutuan pala). Niyaya ko si Alex na tulungan ako sa pagluluto ng turon para sa aming merienda. At very willing naman sya na tulungan ako. Atleast sa mura nyang gulang ay kinakikitaan na sya nang hilig sa pagluluto. At ito ang aming one on one lecture......
Subscribe to:
Posts (Atom)