I must admit na sisig addict ako sa amoy pa lang ay naku nalilimutan ko na on diet pala ako. Kaya ganoon na lang ang tuwa ko ng makita ko ang stall na ito imagine 49.99 pesos na sisig? yan na yata ang sisig na nakita ko na pinakamura. Kaya hindi na namin pinalampas pa ang pagkakataon para matikman ito. Ok naman ang taste maliban sa nalalasahan ko ang lasa ng atay ng baboy (hindi kasi ako nakain noon). pero maliban doon ok na rin. At sinabayan namin ang aming sisig ng siomai ang all time favorite ng bayan with gulaman pa on the side solve ang merienda. Pero hindi natatapos doon ang kwento ko kasi habang kumakain na kami ni Olan 2 guard of Metropolis, Alabang approach us and inviting us sa kanilang security office. Anongh kaso? Dahil sa pagkuha namin ng picture sa 2 stall nila yung Sisig Horay ang Siomai House. Dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao we decided to go na. In the office tinanong kami what is our purpose of taking the pictures so on and so for.... after the question and answer portion we were release na rin. Ay naku grabe sa experience yun ah.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment