Tuesday, May 27, 2008

Want to Loose Weight?


Ilang buwan na rin ako na naging pabaya sa aking katawan at pagkain kaya ang resulta malabalyenang katawan. Ilan beses din akong nagtry na mag diet pero ilang araw lang bumibigay na rin ako dahil hindi ko mapigilan o matanggihan ang mga pagkain na nakahain sa hapagkainan. Ngaun heto na naman at at susubok uli na magdiet sa tulong ng herbalife. Marami na rin akong nakita na gumamit nito at nakita ko sa kanila ang result sana sa akin effective din. No choice na ako hindi ko na kaya ng sarili ko lang at tamad naman akong mag work-out kaya eto na ang naisip ko na paraan hehehe..... It's my day one today...Gusto ko man ipost ang picture ko ngaun para makita kung may improvement na makikita sa akin ay nakakahiya kaya eto na lang muna....
Weight -- 142lbsWaistline -- 35 inches
Ideal weight ko para sa aking height na 5'3"weight -- 109-118Kung concern din kayo sa health ninyo at gusto nyo rin itry ang Herbalife. Just let me know baka makatulong ako at sabay sabay tayong maging fit and healthly.

Tuesday, May 20, 2008

Mommy's Day Out

Inabot ako ng matagal na panahon bago ko nasulat ang blog ko na ito dahil naging busy ako sa maraming bagay. Kaya kahit malapit nang magpalit ng buwan ay hinabol ko pa rin dahil ibang joy ang naramdaman ko ng araw na ito. Last year I celebrated father's day with my Papa Art. Kaya it's my mother's turn naman ngaun, Inanyayahan ko sya na kumain sa labas kasama si papa at Mariz. Tapos sabi ni mama pwede ba daw nya isama si ate ko? Naisip ko why not... Since maliit lang naman ang family namin sige pinasama ko na rin kaya ang nilabasan family date. Kaya mas masaya at magulo kasi lahat ng apo present din. Pagkadating nya sa restaurant binati sya ng receptionist sabay abot ng flowers. Doon pa lang medyo nagulat na si mama kasi frist time nya pa lang yata makatanggap ng flowers na ganoon karami. Pagkatapos naming kumain. Pinalabas ko na ang Cake na may personal touch ko hehehe. Pagkalapag ng cake sabay abot ni Alex ng gift namin sa kanya habang binubuksan ni mama maluhaluha na sya, sabay sabing " akala ko hindi na ako mahal ng mga anak ko". Nakaka-touch kasi in my little way naparamdam namin uli na mahal namin sya, importante pa rin sya sa buhay namin at hinding hindi namin sya nalilimutan. Sarap ng feeling ko dahil alam ko napasaya ko si mama ko kahit papaano.

Ang lola at ang mga apo

Our gift


Ang talong ina....

Family Picture hehehe





Saturday, May 10, 2008

Mother's Day

Mother's Day is celebrated to honor all mothers and express gratitude for the hardships they bear in bringing up a child. And as for my gift to my mom I compiled some of our pictures and come out something like this..... with message that goes....

I don't often take the time to stop and thank you
for being the wonderful person you are, but I should,
because there's only one you,
You are the one who seems to find a rainbow behind every cloud,
the one who knows when to offer advice andf when to just listen.
You're so sensitive to the feelings of others
that you're a comfort and a joy to be around,
I think it's time to know
how very much I appreciate you.

Happy Mother's Day Mama Nene

Tuesday, May 6, 2008

Fresh Catch....Isdaan

As of now ito na yata ng pinakamalayong food trip namin....Ang Isdaan sa Gerona, Tarlac. Pero wala akong masabi kasi worth it naman talaga ang trip namin pati sa food panalo. At syempre hindi magiging masaya ang bawat lakad kung hindi kompleto ang tropa. Yun yata talaga ang nagpapasarap doon.






















Ang lugar kung saan pwede kang mag wala at magbasag

Buhay sa Malasique, Pangasinan...

Para sa isang tulad ko na lumaki sa Maynila talagang manghang mangha ako sa tanawin ng isang probinsya. Tulad na lang nitong lugar nila Olan sa Malasique, Pangasinan. Isang biglaang plano na akala ko isang biru-biruan lamang na uwi sa totohanan. Halika kayo at silipin nyo ang aming Espinoza Farm Adventure hehehe......

Naghubad pa ako ng tsinelas, dinadaanan naman pala ito ng mga sasakyan


Gawa ko yan hehehe

Mga manggagawa sa Espinoza Farm



Manggahan naman po tayo.....



Ito ang best part dito....
Pagkatapos ng isang masarap na almusal...
Papag sa ilalim ng punong mangga

Calasiao Puto Fiestaval 2008

Ang "Fiesta" ay isang tradisyon na minana natin sa mga kastila na hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin sa ating mga pilipino. Napagpasyahan namin ni Olan na unahin na muna ang pagbili ng puto sa Calasiao dahil magiging out of way na kung sa pag uwi pa namin ito dadaanan. At Hindi namin inaasahan na ganito ang aming madaratnan, Dahil sa mismong araw na yun ay ipinagdiriwang ang ikalawang "Calasiao Puto Festival". Jackpot sabi nga namin dahil nadatnan pa namin ang ABS-CBN na nagco-cover para sa Magandang Umaga. May street dancing contest, pagandahan ng pagdecorate gamit ang puto at ang aming paborito ang libreng tikim ng puto. Pero ewan ko kung maituturing pang tikim ang tawag doon kasi gutom na ang lahat galing pa kasi sa biyahe at wala pang almusal.





Sa lahat ng fiestahan hindi mawawala ang street dancing


Kanya-kanyang gimmick para lang mapansin


Nakialam na rin kami hehehe



Ang daming puto

Tikiman na!!! Sarap!!!


Ay si Nemo... ang cute




Wala kasi si Mayor kaya sa anak na lang kami nagpa-picture hehehe



Calasiao Puto P60 per kilo


Bilihan na ng pasalubong


Thanks olan for bringing us here....