Showing posts with label fiesta. Show all posts
Showing posts with label fiesta. Show all posts

Tuesday, May 6, 2008

Fresh Catch....Isdaan

As of now ito na yata ng pinakamalayong food trip namin....Ang Isdaan sa Gerona, Tarlac. Pero wala akong masabi kasi worth it naman talaga ang trip namin pati sa food panalo. At syempre hindi magiging masaya ang bawat lakad kung hindi kompleto ang tropa. Yun yata talaga ang nagpapasarap doon.






















Ang lugar kung saan pwede kang mag wala at magbasag

Buhay sa Malasique, Pangasinan...

Para sa isang tulad ko na lumaki sa Maynila talagang manghang mangha ako sa tanawin ng isang probinsya. Tulad na lang nitong lugar nila Olan sa Malasique, Pangasinan. Isang biglaang plano na akala ko isang biru-biruan lamang na uwi sa totohanan. Halika kayo at silipin nyo ang aming Espinoza Farm Adventure hehehe......

Naghubad pa ako ng tsinelas, dinadaanan naman pala ito ng mga sasakyan


Gawa ko yan hehehe

Mga manggagawa sa Espinoza Farm



Manggahan naman po tayo.....



Ito ang best part dito....
Pagkatapos ng isang masarap na almusal...
Papag sa ilalim ng punong mangga

Calasiao Puto Fiestaval 2008

Ang "Fiesta" ay isang tradisyon na minana natin sa mga kastila na hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin sa ating mga pilipino. Napagpasyahan namin ni Olan na unahin na muna ang pagbili ng puto sa Calasiao dahil magiging out of way na kung sa pag uwi pa namin ito dadaanan. At Hindi namin inaasahan na ganito ang aming madaratnan, Dahil sa mismong araw na yun ay ipinagdiriwang ang ikalawang "Calasiao Puto Festival". Jackpot sabi nga namin dahil nadatnan pa namin ang ABS-CBN na nagco-cover para sa Magandang Umaga. May street dancing contest, pagandahan ng pagdecorate gamit ang puto at ang aming paborito ang libreng tikim ng puto. Pero ewan ko kung maituturing pang tikim ang tawag doon kasi gutom na ang lahat galing pa kasi sa biyahe at wala pang almusal.





Sa lahat ng fiestahan hindi mawawala ang street dancing


Kanya-kanyang gimmick para lang mapansin


Nakialam na rin kami hehehe



Ang daming puto

Tikiman na!!! Sarap!!!


Ay si Nemo... ang cute




Wala kasi si Mayor kaya sa anak na lang kami nagpa-picture hehehe



Calasiao Puto P60 per kilo


Bilihan na ng pasalubong


Thanks olan for bringing us here....