Showing posts with label celebrations. Show all posts
Showing posts with label celebrations. Show all posts

Monday, November 10, 2008

Happy Birthday Papa Art

Simpleng tanghalian lang ang pinagsalu-saluhan namin para sa bday ni papa. Wala kasi kaming maisip na lulutuin na pwede sa kanya. sabi kasi ng docotr nya ay low cholesterol and low fat diet daw sya.....high blood kasi. Ewan ko ba lately basta tungkol kay papa very emotional na ako. Nakilala ko kasi si papa na very active and strong person. Kaya ngaun na may edad at may sakit sya nalulungkot ako na makita na nalilimitahan ang lahat ng kilos at pagkain nya. Isama mo pa na hindi nya maipasyal ang mga apo nya na madalas nyang ginagawa dati. Pero I see it as a blessing pa rin kasi it brings our family closer and learned to appreciate little things....Papa bilisan mo ang pagpapalakas para makabalik ka na dito sa Cavite. Happy Happy Birthday and I love you so so so much !!!!

Sunday, November 9, 2008

Spelling Contest

Im so proud to announce that Justin won 1st place and Alex 3rd sa recent spelling contest nila sa school. Super kabado ako maskabado pa nga sa mga anak ko hahaha stage mom na stage mom talaga kulang na lang ng banner!!!! Nagbunga din lahat ng pagod naming tatlo. At para iyo Alex sorry kung napalo ka ni mommy noong minsan review natin.... Promise ni mommy di na yun mauulit.... Keep it up mga anak!!! Daddy and mommy are very proud of you!!!!







Tuesday, September 30, 2008

October Birthday Celebrant

Ochie October 4
Nhey October 11

Papa Art October 20

Leng October 30

There is a gift that gold cannot buyA blessing that's rare and trueThat's the gift of a wonderful person coming into my lifeLike I have in all of you!
Happy Birthday!!!


Wednesday, July 9, 2008

This And That On My Birthday Month

Yes malapit na naman ang aking birthday. At tulad ng ginawa ko last year naglista uli ako ng mga anik-anik na gusto kong gawin at bilhin for the year 2008..

1. Epson Printer - ito ang unang-una kasi pending pa ito from last year wish list hehehe.... Sana this time makabili na ako.
2. Contact lense - Kasi bumigay na talaga ang luma kong contact lense
3. Dinner or lunch with my family - Ewan ko ba lately parang gusto ko lagi ko kasama sila mama at papa. (Siguro kasi mother na rin ako)
4. Battery charger - kasi sira na pala yung luma ko akala ko dati battery ang problema charger ko pala
5. Hair cut and Hot Oil - kasi ang last hair cut ko noong july of 2007 pa.
6.Picnic with my family tapos may pictorials on the side hehehe (para makakuha ako ng picture na pwede ko palakihan para may bago akong pang lagay sa bago namin na sala hehehe.
7.Jar, Vase or Clock na may dried flowers or spices para sa bago namin na kitchen hehehe.
8. Ang makapag enroll sa isang short course like catering, photography at ang matutunan ang paggamit ng Adobe Photoshop.
9. Ang mapababa ko ang timbang ko from ----lbs to 120lbs. Kainis lagi na lang akong day 1 sa aking diet.
10. Syempre a simple get together snack with my friends. Pero dahil sa dami ng mga gusto ko ma accomp[lish for my birthday month parang mauubos na yata ang budget ko at wala na matitira.... Pero I know my friends will understand naman.... kahit simpleng fishball at kikiam lang basta sama-sama kami enjoy na rin yun....Di ba mga friendship????
11. To count my blessing.... kasi tao lang ako madaming gusto pero naisip ko rin na marami din akong meron na ngaun na dapat ipagpasalamat.

Update ko uli ito bago matapos ang July para i-post kung anu-ano ang mga na-accomplished ko sa aking birthday month.

Monday, June 30, 2008

Capping and Pinning Ceremony of Mariz

Ang bilis talaga ng panahon tignan nyo naman at naka 3rd year na pala si Mariz sa course nya na nursing. Hindi ko madiscribe kung ano ang nararamdaman ko ng sumama ako sa Capping and Pinning Ceremony nila. Basta naramdaman ko na lang natumutulo a lang ang aking luha hahaha.. Madrama talaga at baka sabihin pa ng iba na OA. Kasi cupping pa lang naman. Alam ko marami pang siyang dadaanan. Pero proud lang siguro talaga ako sa pamangkin ko at sana matupad mo ang pangarap mo na maging nurse. Mariz tandaanan mo lang handa kaming tumulong ni Kuya Jr mo sa abot ng aming makakayanan. Kaya ipangako mo sa amin ng lola mo na mag-aaral kang mabuti. Mariz super proud ako sa iyo ang I love You!!!
















Invitation I made for Olan

Hindi kompleto ang isang celebration kung walang invitation kaya naisipan kung gawan si Olan para sa kanyang Birthday. Wala lang natuwa lang ako sa kinalabasan ng ginawa ko kaya share ko sa inyong lahat hehehe.....

One Great Afternoon Snack with my Dad

Simpleng merienda lang ang aking hinanda para sa papa ko ngaung father's day. Hindi naman siguro kinakailangang maging magastos lagi para iparamdam ang iyong love sa mga taong mahal mo... (Palusot uli kasi walang pera hahaha). Kasama ang aking mga anak ay nagpunta kami sa Balinsasayaw Chicken Grill sa Silang para itreat si papa. Lutong bahay at tabing bukid ang tema ng lugar. Sa presyo at sala di na rin sila pahuhuli. Ang branch sa Silang Cavite ang kanilang pangatlong branch meron din sila sa Davao at Palawan.













Balinsasayaw Chicken Grill
Km 44 Aguinaldo Hi-way
Bypass, Silang Cavite

Monday, June 9, 2008

June Birthday Celebrants




















Olan Espinoza

June 22




Jane Mon Chrisichos
June 25
Happy Happy Birthday!!!
Love You Guys mwaaah......
P.S.
Ang mga taong mapagbigay ay lalong pinagpapala ng may kapal....Kaya ano pa ang inyong inaantay? Share your blessing na ito!!!!

Tuesday, May 20, 2008

Mommy's Day Out

Inabot ako ng matagal na panahon bago ko nasulat ang blog ko na ito dahil naging busy ako sa maraming bagay. Kaya kahit malapit nang magpalit ng buwan ay hinabol ko pa rin dahil ibang joy ang naramdaman ko ng araw na ito. Last year I celebrated father's day with my Papa Art. Kaya it's my mother's turn naman ngaun, Inanyayahan ko sya na kumain sa labas kasama si papa at Mariz. Tapos sabi ni mama pwede ba daw nya isama si ate ko? Naisip ko why not... Since maliit lang naman ang family namin sige pinasama ko na rin kaya ang nilabasan family date. Kaya mas masaya at magulo kasi lahat ng apo present din. Pagkadating nya sa restaurant binati sya ng receptionist sabay abot ng flowers. Doon pa lang medyo nagulat na si mama kasi frist time nya pa lang yata makatanggap ng flowers na ganoon karami. Pagkatapos naming kumain. Pinalabas ko na ang Cake na may personal touch ko hehehe. Pagkalapag ng cake sabay abot ni Alex ng gift namin sa kanya habang binubuksan ni mama maluhaluha na sya, sabay sabing " akala ko hindi na ako mahal ng mga anak ko". Nakaka-touch kasi in my little way naparamdam namin uli na mahal namin sya, importante pa rin sya sa buhay namin at hinding hindi namin sya nalilimutan. Sarap ng feeling ko dahil alam ko napasaya ko si mama ko kahit papaano.

Ang lola at ang mga apo

Our gift


Ang talong ina....

Family Picture hehehe





Saturday, May 10, 2008

Mother's Day

Mother's Day is celebrated to honor all mothers and express gratitude for the hardships they bear in bringing up a child. And as for my gift to my mom I compiled some of our pictures and come out something like this..... with message that goes....

I don't often take the time to stop and thank you
for being the wonderful person you are, but I should,
because there's only one you,
You are the one who seems to find a rainbow behind every cloud,
the one who knows when to offer advice andf when to just listen.
You're so sensitive to the feelings of others
that you're a comfort and a joy to be around,
I think it's time to know
how very much I appreciate you.

Happy Mother's Day Mama Nene